2 + 1

nakapiit, nakakadena

ang alab pilit kumakawala

pinapaso, inuupos lalo

sinusunog na parang abo

may kirot, may hapdi

bawat kislot at dampi

mahirap, nakakapagod

mabigat ang bawat hatak at hagod

may binubulong, may dinadaing

makahulugan ang bawat tingin

inuubos, kinukunsomo

kabuuan ng diwa't pagkatao

pinupukaw, nag-uumapaw

uhaw ang s'yang nangingibabaw

binabalot, wari'y kinukulong

nawawalang saysay ang dunong

pagkatapos, pagka-apula ng apoy

balik sa dati, huhupa ang panaghoy

di sinasadya, lalong di nagkataon

ito ang triangulong hinabi ng panahon

0 Response to "2 + 1"